GMA Logo Alfred Vargas and Wendell Ramos in AraBella
What's on TV

Alfred Vargas, nagbalik-tanaw sa proyekto nila ni Wendell Ramos noon

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 13, 2023 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Alfred Vargas and Wendell Ramos in AraBella


Alam n'yo bang sa 'AraBella' unang nagkasama sina Wendell at Alfred?

Matagal na sa industriya ang mga batikang aktor na sina Alfred Vargas at Wendell Ramos ngunit sa GMA Afternoon Prime series na AraBella lamang sila naging magkatrabaho.

Pagbabalik-tanaw ni Alfred sa Instagram, nagkakasama lamang sila ni Wendell noon tuwing nagge-guest siya sa comedy-gag show na Bubble Gang.

"Ang saya makatrabaho muli si @wendellramosofficial dito sa #AraBella. Dati, nagkakasama lang kami tuwing nague-guesting ako sa @BubbleGang. Ang tagal na pala noon, hindi ko napansin. Si Wendell pa ang nagkwento sa akin ng mga young kulitan days namin," sulat ni Alfred sa caption ng kanilang mga larawan na kuha sa set ng AraBella.

"Nang nasa Bubble Gang siya, nasa Nuts Entertainment naman ako noon. Magkasama din kami before sa mga fashion shows sa Araneta Coliseum! Those were the days. Haha!"

Parehong naging modelo sina Alfred at Wendell ng local fashion giant na Bench.

"Ngayon naman dito sa #AraBella, matutunghayan niyo kami ni Wendell sa isang @gmanetwork family dramang magpapaiyak sa inyo & magpapatibok ng inyong mga puso," pagpapatuloy ni Alfred.

"Sa first week ng showing ng #AraBella, sobrang grateful tayo sa lahat ng nagtangkilik & sa nagkagandang ratings na natanggap ng @gmadrama teleserye natin!

"I'm excited para sa inyo & sa susunod na mga araw - matutunghayan na natin ang friendship & rivalry nina Ariel (by yours truly) & Gary (played by Wendell).

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)

Sa AraBella, magkaibigan at magkaribal ang turing nina Ariel at Gary sa isa't isa dahil pareho silang may gusto kay Roselle, ang karakter na ginagampanan ni Camille Prats.

Panoorin sina Alfred at Wendell sa AraBella, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PA NILANG KASAMA SA ARABELLA DITO: