
Hindi na lamang sa TV guesting maipapakita ang talento at husay ng aktor na si Brent Valdez dahil sasabak na siya sa kaniyang first Kapuso series na Artikulo 247 na nakatakdang ipalabas sa GMA Afternoon Prime sa 2022.
Kasama ni Brent sa nasabing series ang ilan sa mga mahuhusay na aktor at aktres ng GMA Network na sina Rhian Ramos, Kris Bernal, Benjamin Alves, at Mark Herras.
Sa isang panayam ng GMANetwork.com, sinabi ng aktor na itinuturing niya na big break ang pagiging bahagi ng nasabing serye at mapasama sa cast ng Kapuso homegrown artists.
"This is my first time na mapasama talaga sa cast ng isang show, before kasi guestings lang, alam niyo 'yung pakiramdam everytime na may bagong show, yung first time na kilig, yung first time na kaba, anong gagawin ko sa loob, paano ako makikitungo sa tao, paano ako magbi-build ng rapport towards my co-workers," excited na ibinahagi ng aktor.
Malaki rin daw ang pasasalamat ng singer/actor sa co-stars at production staff ng nasabing series na tumulong at gumabay sa kanya sa kanilang naging lock-in taping.
Kwento niya, "Super enjoyable and nakakatakot at the same time pero I manage na maitawid yun kasi napakabait ng mga tao na [bumubuo] sa Artikulo 247, the cast, the crew, the staff, everyone na bumubuo rito."
Sa katunayan, na-starstruck daw si Brent sa lead stars ng nasabing series lalo na sa aktres na si Rhian, na ayon kay Brent ay matagal niya nang sinusubaybayan simula pa noong hindi pa siya artista.
"'Yung first taping day namin sa Artikulo 247, I can still remember I approach her and I told her na 'Hi Ms. Rhian napapanood kita sa Lalola before,' and then sinabi niya yung memories niya with that certain show tapos parang goosebumps and may butterflies in my stomach na [inisip ko] I will be working kasama itong mga homegrown artists ng GMA para akong nasa cloud 9, dream come true 'to kasi dati napapanood ko lang sila sa TV, ngayon kasama ko na sila," masyaang ikinuwento ni Brent.
Makakasama rin ng aktor sa nasabing series ang TikTok sensation na si Rain Matienzo aka "Conyo Girl." Sa ngayon ay nakatutok din si Brent sa pag-aalaga ng kaniyang katawan at pagiging physically fit.