GMA Logo Artikulo 247 high ratings
What's on TV

'Artikulo 247' pilot episode, panalo sa ratings!

By Jimboy Napoles
Published March 9, 2022 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Artikulo 247 high ratings


Bukod sa pagiging trending online, nakakuha rin ng mataas na ratings ang pilot episode ng 'Artikulo 247.'

Tumabo ng mataas na ratings ang pilot episode ng bagong GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247 nitong Lunes (March 7).

Ayon sa NUTAM People Ratings, nakakuha ng 6.1 percent na ratings ang nasabing series na mas mataas kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations.

Sa unang episode ng serye, ipinakilala na ang mga karakter nina Rhian Ramos bilang si Jane Ortega na isang aspiring accountant at si Kris Bernal bilang si Klaire Almazan na trophy wife ng CEO ng G&M accounting firm na si Alfred Gomez na ginagampanan naman ni Jome Silayan.

Matatandaan na pinag-usapan din online ang nasabing pilot episode at patuloy na umaani ng maraming positibong reaksyon mula sa Kapuso viewers.

Panoorin ang naging pilot episode ng Artikulo 247, DITO:

Subaybayan ang Artikulo 247, araw-araw pagkatapos ng Little Princess, 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.