
Isang makasalanang gabi ang pinagsaluhan nina Jane (Rhian Ramos), Klaire (Kris Bernal), at Alfred (Jome Silayan) sa episode ng Artikulo 247 sa GMA Afternoon Prime ngayong Biyernes, March 11.
Matapos malaman ni Alfred ang ginagawang panloloko sa kanya ng asawang si Klaire ay nagdesisyon na itong makipaghiwalay. Pero hindi ito natanggap ng huli kaya't sinundan niya si Alfred sa conference ng kumpanya nito kasama si Jane.
Dahil naman sa kalasingan at bugso ng damdamin, natukso sina Jane at Alfred na ipadama ang namumuong pagmamahal para sa isa't isa. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay papunta na si Klaire sa kuwarto kung nasaan sila.
Umapoy sa galit si Klaire nang makita sa iisang kama sina Jane at Alfred na naghahalikan at walang damit.
Hawak ang isang kutsilyo ay target na sasaksakin ni Klaire si Jane ngunit humarang si Alfred kaya ito ang kanyang nasaksak sa dibdib.
Sa Twitter, sinabi ng isang netizen na kinarma agad si Klaire dahil sa kanyang pangangaliwa.
Ngayon alam mo na ang feeling ng kinaliwa Klaire! 🙈 #Artikulo247CrimeOfPassion pic.twitter.com/9jaVfD9vZz
-- Mansanas_ph (@HazelAg05252030) March 11, 2022
Sa kabila naman ng pagkakamali ni Jane, maraming avid viewers pa rin ang sumusuporta sa kanya.
Pambansang Marupok Goes to Mary Jane Ortega!
-- ✨Bundok ng Tralala✨ (@BaretaTralala) March 11, 2022
Pero Ilalaban ka pa rin namin hanggang Dulo. Bahala na Kung saan namin Huhugutin ang lahat maipaglaban ka LANG! HAHAHAHAHA! #Artikulo247CrimeOfPassion /
Team Jane
Pinuri naman ng isang netizen ang direktor ng series na si Jorron Monroy.
Jorron Monroy executed Klaire's entrance so well! #Artikulo247CrimeOfPassion
-- CybeRhiansLoveRhian (@hunghang_cybers) March 11, 2022
Patuloy na tutukan ang mas umiinit na mga tagpo sa Artikulo 247, tuwing 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.