GMA Logo artikulo 247
What's on TV

Artikulo 247: Ang mapait na nakaraan ni Klaire

By Jimboy Napoles
Published May 12, 2022 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kuya Kim shares last family photo with daughter Emman Atienza from Christmas Eve 2024
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

artikulo 247


Alamin ang malagim na pangyayari na nagdala kay Klaire sa mga masasamang gawain sa Artikulo 247.

Isang madamdaming episode ang napanood ng Kapuso viewers sa episode ng Artikulo 247 kahapon, Huwebes (May 11), kung saan ipinakita ang mapait na nakaraan ni Klaire na ginagampanan ni Kris Bernal.

Bago maging masama si Klaire ay isang traumatic experience ang kanyang pinagdaanan dahil sa kanyang mga magulang. Napatay ng kanyang ama ang kanyang ina nang mahuli niya itong nakikipagtalik sa kanyang kabit at nasaksihan mismo ni Klaire ang buong pangyayari sa krimen.

Ngunit dahil sa batas na Artikulo 247, hindi nakulong ang kanyang ama. Sa halip, pinatawan lamang ito ng parusang destierro o paglayo sa pinangyarihan ng krimen sa loob ng anim na buwan hanggang anim na taon.

Sa kabila nito, hindi pa rin natanggap ng kanyang ama ang nangyari kung kaya't nagdesisyon itong kitilin ang kanyang sariling buhay at nasaksihan din ito ni Klaire.

Dahil dito, naging ulilang lubos si Klaire hanggang sa makilala niya si Julian (Mike Tan) na tumulong sa kanya at nagpasok sa kanya sa marumi at masamang gawain.

Panoorin ang episode sa video na ITO:

Samantala, tutukan ang mas umiinit na mga tagpo sa Artikulo 247, tuwing 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.

Kung hindi mo man ito mapanood sa TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.