
Sa Asawa Ng Asawa Ko, hindi nakaligtas si Leon (Joem Bascon) sa kabaliwan ng kanyang kapatid na si Shaira (Liezel Lopez).
Na-corner na nina Leon at Jordan (Rayver Cruz) si Shaira pero ayaw pa rin nitong sumuko. Tinangka ni Leon na agawin ang baril ni Shaira pero bigla siyang pinutukan nito.
Dahil sa gulat, tinangka ni Shaira na barilin si Jordan pero hinarangan ito ni Leon kaya dalawang beses siyang nabaril ni Shaira.
Dahil sa sakripisyong ito ni Leon, maraming manonood ng Asawa Ng Asawa Ko ang nag-react at nalungkot sa nangyari sa kanya.
Komento ng isa, "nakaka lungkot nman nangyayari Kay leon.. at least gumawa cya Ng kabutihan, sa bandang huli."
Ano kaya ang mangyayari ngayong sukdulan na ang kabaliwan ni Shaira?
Abangan ang mainit na eksenang 'yan sa Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime, at Kapuso Stream. Mayroon ding delayed telecast ang Asawa Ng Asawa Ko tuwing 11:25 p.m. sa GTV.