
Nagbalik-tanaw si Thea Tolentino sa mga eksena nila ng cast ng Asawa Ko, Karibal Ko sa isang taping location kung saan naganap ang karamihan ng matitindi at emosyonal na breakdown ng karakter niyang transwoman, si Venus.
Aniya, “Last taping namin for Mama Krissy's house kahapon! Ang daming naganap sa bahay na to. Jusko #AsawaKoKaribalKo.”
Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko, tuwing Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga!