GMA Logo quinn carillo
What's on TV

Quinn Carillo, masaya sa nabuong pagkakaibigan nila ni Liezel Lopez

By Nherz Almo
Published May 21, 2024 6:32 PM PHT
Updated May 22, 2024 9:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

quinn carillo


Natutuwa si Quinn Carillo sa pagkakataong binigay sa kanya na maging parte ng 'Asawa ng Asawa Ko.'

Isa si Quinn Carillo sa mga baguhang sexy stars na matagumpay na naipamalas ang galing sa pag-arte.

Minsan na niya itong ipinakita sa pelikulang Litrato, ang family drama na pinagbidahan ni Aiai Delas Alas. Ngayon, araw-araw naman siyang napapanood bilang si Leslie, ang best friend ng karakter na ginagampanan ni Liezel Lopez sa Asawa ng Asawa Ko.

“Sobrang wild ng friendship namin ni Shaira,” sabi ni Quinn tungkol sa kanyang karakter nang sandalisiyang nakausap ng GMANetwork.com matapos ang selebration ng Vivamax para sa panibagong milestone nito noong Huwebes, May 16.

Dagdag pa niya, “Ang dami ko ring nakikitang comment na, 'Uy, si Leslie, kahit sabihin n'yong bestie-bestie, hindi siya yung parang tinotolerate [si Shaira].' Yes, ang dami naming ganung moment and mas pataas pa, mas marami pang pupuntahan ang friendship namin.”

Natutuwa rin daw siya sa mga reaksiyong natatanggap nila mula sa mga manonood.

Kaya naman sabi ng akters, abangan pa ang mga susunod na episode ng Asawa ng Asawa Ko.

“Grabe, kapag binabasa namin yung script napapa-'Oh my God,' kami. So, dapat talagang abangan ninyo. Grabe si Shaira, grabe yung pinagdadaanan nila ni Leslie.”

Natutuwa rin si Quinn dahil simula sa pagiging Vivamax actress ay nakikilala na siya sa iba pang genre.

“Sobrang saya po,” aniya. “Pero parang ayaw kong isipin na, 'O, nakatawid na 'yan.' Mas focused ako doon sa work side.

“I'm just very happy na binigyan ako ng project with GMA, nakasama ako sa cast; and Direk Laurice, to be able to work with her, for me, sobrang nakakatuwa. It's been an honor to work with them.”

Bukod sa pagkakataong umarte sa isang TV series, pinahahalagahan din ni Quinn ang nabuong pagkakaibigan sa pagitan ni Liezel.

Aniya, “It's been a wild journey, it fel so good. Off screen, kami ni Liezel, naging close na. Close talaga kami like, mare, ganyan. Ang dali niyang makatrabaho kaya siguro naging easy na rin for me to play the role of her best friend kasi off-cam, talagang close kami.”

A post shared by Quinn Carrillo (@quinncarrillo)

Ngayong nakakapag-mainstream na si Quinn, ibig sabihin ba nito ay isasantabi muna niya ang paggawa ng mga pelikula sa Vivamax?

Sagot ni Quinn, “Kung kaya ng schedule, bakit hindi?”

Pagkatapos ay ipinaliwanag niya, “Pero siguro nandun na tayo sa pinipili na natin. Nandun na ako sa part siguro na mga hindi ko pa nagagawa before, yung very interesting roles and characters. Siguro nakadagdag din yung writer din ako, so I want to explore different characters.”

Samanatala, narito ang ilang pang Vivamax babes na napapanood sa GMA Prime: