
Mapapanood na mamaya sa GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko si Kylie Padilla.
Gagampanan ni Kylie si Hannah, ang ex-wife ni Leon at ang Tigre ng KALASAG. Si Hannah rin ang ina ni Billie, ang karakter ni Patricia Coma.
Sa panayam kay Kylie sa set ng Asawa Ng Asawa Ko noong July 15, hindi niya maitago ang kanyang excitement dahil gustong-gusto niya ang karakter ni Hannah.
"Sobrang excited kasi nilalaro ko lang 'yung character ko dito, I love my character. Alam niyo 'pag nagtrabaho ako tapos love na love ko 'yung character ko, I don't even think, I just perform," pag-amin ni Kylie.
Dagdag pa niya, "Si Hannah, sobrang ambitious niyang tao, magpaka-rebellious streak siya nang konti, 'pag may gusto siya, she's gonna do everything."
Sa pagpasok ni Kylie sa Asawa Ng Asawa Ko, paano kaya mababago ni Hannah ang buhay nina Cristy (Jasmine Curtis-Smith), Leon (Joem Bascon), Shaira (Liezel Lopez), at Jordan (Rayver Cruz)?
Panoorin ang Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mayroon din itong delayed telecast sa GTV tuwing 11:25 p.m.