GMA Logo Kylie Padilla in Asawa Ng Asawa Ko
What's on TV

Kylie Padilla, naalala ang childhood dahil kay Hannah ng 'Asawa Ng Asawa Ko'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 24, 2024 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla in Asawa Ng Asawa Ko


Tila bumalik sa kanyang childhood si Kylie Padilla nang kunan niya ang maaksyon na eksenang ito sa 'Asawa Ng Asawa Ko.'

"That was my childhood."

Ito ang masayang pahayag ni Kylie Padilla pagkatapos niyang kunan ang isang maaksyon na eksena bilang si Hannah sa GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko.

Dating miyembro kasi ng KALASAG (Kapatiran Laban sa Abusado't Ganid) si Hannah, na siya ring dating asawa ng pinuno nitong si Leon.

Pagpapatuloy ni Kylie, "Actually ngayon lang ako nakapag-shoot ng eksena ko sa KALASAG, but you guys know me naman."

"Noong sinu-shoot namin, parang bumalik ako sa pagkabata kasi 'yung tatay ko, lagi akong sinasama. Aakyat ng bundok? Tara. Magte-train ng baril? Tara, sama kayo, hawak din kayo ng armalite."

Patuloy na panoorin ang Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.

Mayroon din itong delayed telecast tuwing 11:25 p.m. sa GTV.