Meet the cast of 'Asawa Ng Asawa Ko'

Panibagong istorya ang dapat abangan sa pinakabagong serye ng GMA Prime na Asawa Ng Asawa Ko na pinagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith, Rayver Cruz, at Liezel Lopez.
Gagampanan nina Jasmine at Rayver ang mag-asawang Cristy at Jordan na masayang namumuhay hanggang dukutin sila ng rebeldeng grupong KALASAG.
Nakatakas si Jordan mula sa kamay ng KALASAG pero pinaniniwalaan nilang namatay na si Cristy. Matapos magluksa, pinakasalan ni Jordan si Shaira (Liezel Lopez), ang matalik nilang kaibigan noon.
Sa pagbabalik ni Cristy, ano kaya ang mangyayari sa kasal nina Jordan at Shaira? Sino ang kikilalanin ni Jordan bilang kanyang asawa?
Kilalanin ang iba pang mga karakter ng Asawa Ng Asawa Ko sa mga larawang ito.















