SNEAK PEEK: Wedding of Cristy and Jordan in 'Asawa Ng Asawa Ko'

Magsisimula nang mapanood ang pag-iibigan nina Jordan (Rayver Cruz) at Cristy (Jasmine Curtis-Smith) sa 'Asawa Ng Asawa Ko' mamayang 9:35 P.M. sa GMA Prime.
Matagal nang magkakilala sina Jordan at Cristy at siguradong sa simbahan mauuwi ang kanilang relasyon.
Tuwang-tuwa sina Jordan at Cristy dahil magpapakasal na sila, at nandoon ang kanilang mga pamilya at kaibigan upang maging saksi ng kanilang pagmamahalan.
Ang ina ni Cristy na si Carmen (Gina Alajar) ang maghahatid sa kanyang anak patungong altar, at naroon din ang nakababatang kapatid ni Jordan na si Jeff (Martin Del Rosario).
Narito ang pasilip sa kasal nina Jordan at Cristy sa 'Asawa Ng Asawa Ko.'





