What's on TV

World premiere ng 'Babawiin ko Ang Lahat,' ngayong Lunes na!

By Dianara Alegre
Published February 19, 2021 5:34 PM PHT
Updated February 21, 2021 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Pauline Mendoza


Pagbibidahan ni Pauline Mendoza ang upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Babawiin ko Ang Lahat.'

Sa Lunes, February 22, na ang world premiere ng GMA Afternoon Prime series na Babawiin ko Ang Lahat na pagbibidahan ni Kapuso actress Pauline Mendoza.

Biggest break para kay Pauline ang gumanap bilang si Iris Salvador sa serye.

“'Yung emotions na nabigay ko talagang iba-iba. Meron talagang malulungkot kayo, sasabayan n'yo kaming umiyak, sabay-sabay tayong tatawa. So halu-halo po 'yung na-build ni Iris as her character,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Pauline Mendoza

Source: paulinemendoza_ (Instagram)

Ito ang reunion project nila ni Carmina Villarroel na gaganap bilang si Dulce na kanyang step-mother pagkatapos ang Kambal Karibal, habang dito naman niya unang nakatrabaho ang aktor na si John Estrada, na gaganap bilang kanyang ama.

“Ngayon naman nanay pa rin ako pero hindi nga lang sa kanya. Evil step-mother sa kanya. Isa ako sa mga taong magpapahirap sa buhay niya,” lahad ni Carmina.

Carmina Villarroel

Source: mina_villarroel (Instagram)

Humanga naman daw si John sa dedikasyon ni Pauline sa kanyang trabaho gayundin sa pagdadala ng kanyang karakter sa serye.

“Ako sobra akong humanga kay Pauline. Ang unang-unang quality na nakita ko sa kanya sobra niyang sipag, ang pagka-eager niya, she's so hungry, she's so motivated,” aniya.

Pauline Mendoza at John Estrada

Source: paulinemendoza_ (Instagram)

Comeback project naman ito ni Tanya Garcia-Lapid na gaganap bilang nanay ni Pauline na si Christine. Nagpapasalamat si Tanya na mapabilang sa proyekto ngunit aminado siyang nanibago siya sa lock-in taping ng serye dahil ito ang unang beses na napalayo siya sa kanyang pamilya.

“At least kahit na parang feeling ko uuwi ako anytime kasi hindi ko na kakayanin, masaya 'yung mga kasama ko. Tapos first time ko makatrabaho si Ms. Mina tsaka si Kuya John sa isang show. Ang maganda dun I found new friends 'yung talagang masasabi kong kaibigan ko sa industriyang 'to,” aniya.

Tampok din sa serye sina Kristoffer Martin, Manolo Pedrosa, Therese Malvar, Liezel Lopez, Dave Bornea, Neil Ryan Sese, Tanya Gomez, Gio Alvarez, Charee Pineda, Jenine Desiderio, at Jett Pangan.

Cast ng Babawiin ko Ang Lahat

Source: paulinemendoza_ (Instagram)

Silipin ang mga kaganapan sa lock-in taping ng Babawiin Ko Ang Lahat sa probinsya ng Batangas sa gallery na ito.

Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.