GMA Logo pauline mendoza
What's on TV

Pauline Mendoza, lubos ang pasasalamat sa mga aral mula sa co-actors niya sa 'Babawiin Ko Ang Lahat'

By Aedrianne Acar
Published May 10, 2021 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

pauline mendoza


Ano ang payo ni John Estrada na sobrang tumatak sa co-actor niyang si Pauline Mendoza? Alamin dito:

Walang sawang pasasalamat ang nais ipahatid ni Pauline Mendoza sa buong team ng afternoon drama series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Inaabangan na ng masugid na manonood ng programa ang ilan sa matitinding eksena sa huling dalawang linggo ng Babawiin Ko Ang Lahat, lalo na ang pagbabalik ni Christine (Tanya Garcia-Lapid), matapos akalain nang lahat na namatay ito.

Mabawi kaya ng nanay ni Iris (Pauline Mendoza) ang lahat ng kinuha sa ?

Source paulinemendoza IG

Sa exclusive interview naman ng GMANetwork.com kay Pauline, tinanong namin kung ano ang “best gift” na nakuha niya habang ginagawa ang proyektong ito

Sagot ni Pauline, “When it comes to knowledge to my craft and dami ko natutunan with my co-actors, especially magagaling pa 'yung mga nakasama ko, mga beterano pa. Si Miss Carmina [Villarroel], si Sir John [Estrada], si Miss Tanya [Garcia-Lapid], si Kuya Gio [Alvarez], sobrang dami ko natutunan sa kanila.

“Kung ito lang yung alam mo [motion with her hands] when it comes to your craft, madami ka pa puwedeng ilagay diyan,”

Dagdag pa niya, “Bilang dito naman sa showbiz industry natin, marami rin ako natutunan from all of them talaga na, "Magpakatatag ka; marami ka mapagdadaanan--good man yan or bad man yan; kailangan mo mag-focus na lang kung ano talaga 'yung goal mo dito sa industry na 'to.'”

Tumatak din sa isipin ni Pauline ang payo sa kanya ni John Estrada, na gumanap bilang ama niyang si Victor niya sa Babawiin Ko Ang Lahat.

Binigyan-diin ng talented TV-movie actor na marami pa siya pagdadaanan sa mga susunod na taon sa mundo ng show business.

Pagbabalik-tanaw ni Pauline, “Sabi nga sa akin ni Sir. John, kung ano man 'yung pagdadaanan mo pa dito, kasi sabi niya, 'Marami ka pang pagdadaanan. Six years is just six years, konti pa lang yan',

“Kaya sabi niya, 'You need to be brave, you need to be strong as an actress, kailangan talaga ilabas mo 'yung passion mo, mahalin mo 'yung trabaho mo.

“'Kasi, pag hindi mo mahal 'yung trabaho mo, 'di mo e-enjoy-in mahihirapan ka.'

"Ako ngayon, minamahal ko 'yung trabaho ko, so napapadali 'yung career ko dito sa showbiz industry.”

Sundan ang mangyayari sa huling dalawang linggo ng Babawiin Ko Ang Lahat', Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA Afternoon Prime.

Bago ang pagtatapos ng afternoon drama, muling balikan ang naging lock-in taping experience ng cast sa gallery below: