
“Yes”
Ito ang naging sagot ng mga Kapuso star na sina Pauline Mendoza, Dave Bornea, at Liezel Lopez nang tanungin ng entertainment press kung game ba sila kung saka-sakali magkaroon ng Book Two ang Babawiin Ko Ang Lahat.
Inusisa ng entertainment writer na si Jerry Donato ang tatlo sa idinaos na media conference last week, kung ano ang saloobin nila kung biglang sabihin ng management na may season two ang kanilang afternoon soap.
Tugon ni Pauline, “If ever man magka-book two, grabe, I'll be happy about it, I'll be grateful. Kasi, actually, ngayon nami-miss ko na katrabaho 'yung mga co-actor ko--all the experiences, all the memories, talagang gusto ko siya balik-balikan.
“So, why not magka-book two, 'di ba. Sa akin, parang kaya naman mag-book two. Puwede pa i-extend 'yung story, 'di ba.”
Sinegundahan naman ito ni Liezel na siyang gumanap na kontrabida ni Pauline sa soap.
Wika niya, “Oh, my God! I'll be happy, kasi marami pang puwede mangyari, marami pang twist puwedeng maganap sa family nila Iris at saka nila Dulce.
“Feeling ko mas maraming magaganda [o] bonggang mga twist kung sakali ma-extend or magkaroon kami ng season two.”
Sang-ayon din ang Kapuso hottie na si Dave Bornea na naniniwala na “deserving” ang show ng isa pang season.
Aniya, “I think deserve din ng Babawiin Ko Ang Lahat ng Book Two, since maganda naman 'yung istorya niya and next time mas malatag pa na do-doble pa na maganda.”
Abangan ang finale episode mamayang hapon ng Babawiin Ko Ang Lahat, pagkatapos ng Karelasyon sa nangungunang GMA Afternoon Prime.
Sa pagtatapos ng serye ngayong araw, ating balikan ang memorable experience ng cast sa naging lock-in taping nila noong 2020 sa gallery below: