What's on TV

Bagong adventure ang 'Basta Every Day Happy' – Chef Boy Logro

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 15, 2020 11:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kanlaon Volcano ash emissions continue as plumes rise above crater
Mag-inang nasabugan ng LPG tank, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation sa pagpapagamot | 24 Oras
1 Patay 1 Angol sa usa ka Road Accident sa Minglanilla | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi lang pang-kusina si Chef Boy. 

Nagtapos na kamakailan lamang ang Kusina Master ni Chef Boy Logro ngunit napalitan naman nito ay isang malaking blessing - ang Basta Every Day Happy.

Para sa kuwelang chef, ito ay unexpected na regalo sa kanya mula sa GMA.

“Well, nakakatuwa. Bilang host akala ko ay magluluto lang ako dahil 'yun ang aking profession. But of course, the management ay naniniwala naman sa kakayahan ko,” saad ni Chef Boy.

Dagdag ni Chef, “Ito ang bagong adventure na maging host sa bagong show na ito na Basta Every Day Happy. Flattered ako siyempre sino ba naman ang hindi matutuwa na bibigyan ka ng pagkakataon ng management.”

Kakaibang Chef Boy raw ang makikita sa Basta Every Day Happy, at lalo silang gaganahan sa mga sorpresang ihahanda nila araw-araw.

“Lalo silang masasarapan at mag-e-enjoy dahil variety siya e. Maraming pagpipilian, puwede kang tumawa because we have a lot of jokes, then hosting to other people,” kuwento ni Chef Boy.

Para kay Chef Boy, ang Basta Every Day Happy ay may magandang regalong hatid para sa lahat ng mga manonood.

“Dito, tinutuklas natin ang mga Filipino na gusto nating tulungan para mailapit natin ang telebisyon sa mga tao,” pagtatapos ni Chef Boy.
Patuloy na subaybayan si Chef Boy Logro sa Basta Every Day Happy, Monday to Friday bago mag-The Ryzza Mae Show.

-Text by Maine Aquino, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com