
Matapos makumpleto ang finalists, inanunsyo ni Asia's Multimedia Star Alden Richards na magkakaron ng wildcard edition ang Battle of the Judges.
Sa September 9-episode ng GMA talent competition, may anim nang pasok na maglalaban-laban sa finals na binansagang "The Ultimate Battle."
Ito ay sina JB Dela Cruz at Marvin Peralta ng Jose Manalo squad, Joseph Erwin Valerio at Amazing Duo ng Bea Alonzo squad, at Shammah at Kathy Hipolito Mas ng Boy Abunda squad.
Sa dulo ng episode, pumili ang bawat hurado ng isang contestant mula sa kanilang squad members na hindi pinalad sa elimination round.
Pinili ni Boy si Brenan Espartinez; Bea si Jay-R Siaboc; Annette Gozon-Valdes ang Power Impact Dancers; Jose ang Steps of Gold.
Sa apat, isa lang ang mananalo at magkakaroon ng chance na lumaban sa "The Ultimate Battle."
Sino kaya sa kanila ang babawi at makakasama sa finals?
Alamin sa Battle of the Judges tuwing Sabado, 7:15 ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA.
Ipinapalabas din ito sa Kapuso Stream via official Facebook page at YouTube channel ng programa.
NARITO ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS SA ULTIMATE TALENT COMPETITION: