
Ilang tulog na lang, ipapalabas na sa GTV ang Taiwanese drama series na inihahandog ng GMA Heart of Asia sa bawat manonood!
Ito ay ang Behind Your Smile, ang seryeng tungkol sa isang lalaki na tila pinagkaitan ng mundo ng maayos na buhay.
Ito ay pagbibidahan nina Marcus Chang at Eugenie Liu na mapapanood bilang sina Ivan at Jessa.
Iikot ang istorya nito sa buhay ni Ivan (Marcus Chang), na labis na susubukin ng iba't ibang hamon at problema hanggang sa maramdaman niyang tila wala ng saysay at halaga ang kaniyang buhay.
Ang kaniyang puso ay mapupuno ng galit at hinanakit sa mga taong naging dahilan kung bakit naging magulo at masalimuot ang kaniyang buhay.
Dahil dito, ilang beses niyang susubukang maghiganti sa mga ito hanggang sa bigla na lamang magbabago ang kaniyang mga pananaw at mga plano dahil sa isang babae.
Sino nga ba si Jessa (Eugenie Liu)?
Isa nga ba siya sa mga taong nais gantihan ni Ivan?
O siya ang tutulong upang maging maayos ang buhay nito?
Ano nga ba ang nasa likod ng mga ngiti ni Ivan?
Kaya nga bang takpan ng pag-ibig ang puso ng isang lalaking puno ng galit?
Abangan ang kuwento ng paghihiganti at pag-ibig sa Behind Your Smile, magsisimula na sa June 27, 2:45 p.m. sa GTV.
Panoorin ang Behind Your Smile at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.