Article Inside Page
Showbiz News
Maraming opportunities ang nabuksan kay Alden dahil sa 'Bet ng Bayan'.
By AEDRIANNE ACAR and MERYL LIGUNAS
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Work and play.
Ganyan maihahalintulad ng Kapuso hunk at
Bet ng Bayan host na si Alden Richards ang experience niya sa pag-host ng biggest talent search competition ng GMA 7.
Grand finals na ng
Bet ng Bayan sa Linggo, Dec. 28.
Aniya, noong magsimula siyang mag-artista ‘yun daw ‘yung nilu-look forward niya na magkaroon ng opportunity na makapag-travel.
Ani ni Alden, “Kasi po noong nag-start akong mag-artista, parang ‘yun po ‘yung nilu-look forward ko po ‘yung makasakay ng eroplano nang libre. So ang daming perks of being a host, kumbaga especially BNB, umiikot po kami sa mga probinsya.”
Highlight daw para sa former
Ilustrado star na habang ginagawa ang
Bet ng Bayan na maki-celebrate sa mga kababayan natin tuwing piyesta sa iba’t ibang panig ng bansa.
“At the same time, pag pumupunta po kami doon, shino-showcase po namin ‘yung highlights ng probinsyang ‘yun.Let’s say Cebu, Sinulog, lechon.”
Dagdag pa ni Alden kakaiba daw talaga ang
Bet ng Bayan dahil lahat ng hanap-hanap mo sa isang show ay mapapanood mo sa bawat episode.
“Food, places to go, tapos ‘yung mga tao na nag-audition. Kumbaga dito po sa BNB, nandito na lahat. Meron kang PopTalk, Let’s Fiesta, AHA!, etc. So punong-puno po ‘yung show, very colorful.”