'Sang'gre' stars dazzle at Beyond 75: The GMA Network 75th Anniversary Special

Pahinga muna sa matinding labanan ang cast ng Encantadia Chronicles: Sang'gre para makisaya sa engrandeng pagdiriwang ng Kapuso Network!
Noong June 29, dumalo ang ilan sa stars ng superserye sa selebrasyon na Beyond 75: The GMA Network 75th Anniversary Special.
Spotted sa red carpet ang new-generation Sang'gres na sina Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali.
Nagbigay rin ng nostalgia ang pagsasama-sama ng 2016 Sang'gres na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza De Castro, at Kylie Padilla.
Hindi rin nagpahuli ang iba pang cast members gaya nina Rhian Ramos, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, Gabby Eigenmann, at marami pang iba, na pawang nag-stand out sa kani-kanilang stunning outfits.
Tingnan ang kanilang red carpet moments sa gallery na ito:















