
Isang mahalagang life lesson ang naituro ng upcoming GMA Afternoon prime suspense action-drama na Bihag para kay Kapuso actress Max Collins.
Inihanda daw kasi siya nito sa pagkakaroon ng sarili niyang anak.
Sa show, gumanap si Max bilang Jessie, isang inang naghahanap sa nawawala niyang anak.
"Mas nakatulong 'yung show para sa akin na mai-handa ko 'yung sarili ko. Ngayon kasi nafi-feel ko siya. Nai-imagine ko 'yung sarili ko, mas nafi-feel ko 'yung pagiging mother. Maybe sometime soon," pahayag ni Max sa media conference ng Bihag na ginanap noong March 25 sa GMA Network Center.
Ikinasal si Max sa kapwa niya Kapuso actor na si Pancho Magno noong 2017. Sa ngayon, hindi pa sila binibiyayaan ng anak.
"Sa ngayon nagtatrabaho kaming dalawa. Kasi magsa-start na 'yung show niya. Gusto pa namin mag-travel and after noon, pag-uusapan namin [ang tungkol sa pagkakaroon ng anak]," ani Max.
Kung sakali mang matuloy, nagkaroon na daw si Max sa practice dahil sa show.
"At least may practice na 'ko. Feeling ko mas ready na 'ko kesa before. Before this project came, as in wala talaga akong alam. Even paghawak ng bata, wala akong alam. But now, thanks to the show, unti-unti nafi-feel ko na [ang motherhood]," paliwanag ni Max.
Abangan si Max bilang Jessie sa Bihag, simula April 1, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.
Bihag: Max Collins bilang Jessie | Teaser
EXCLUSIVE: Max Collins, mommy friends ang naging inspirasyon para sa kaniyang 'Bihag' character