
Nagpadala ng kanyang sorry si Kapuso actress Max Collins sa kanyang kaibigan at kapwa aktres na si Sophie Albert sa pamamagitan ng isang Instagram post.
Napapadalas kasi ang mga fight scene ng dalawa sa kanilang GMA Afternoon Prime series na Bihag.
Idinaan ni Max sa isang Instagram post ang appreciation niya kay Sophie na inilarawan niya bilang "hard working, humble & professional."
Bukod dito, humingi na din siya ng paumanhin kung nagkakasakitan man sila sa kanilang mga eksena.
"Appreciation post to the most hard working, humble & professional actress I've ever worked with. Love you @itssophiealbert and I'm so glad we were reunited because of this project ️ p.s. sorry for smacking you around so hard," sulat ni Max.
Abangan ang dalawang aktres sa Bihag, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime.
EXCLUSIVE: Transformation ng character ni Max Collins sa 'Bihag,' dapat abangan