IN PHOTOS: Meet Joel Palencia, ang karibal ni Yasser Marta sa 'Bilangin ang Bituin sa Langit'

Mas lalong tumitindi ang mga eksena sa all-new episodes ng afternoon drama series na 'Bilangin ang Bituin sa Langit'.
Sa pagpasok ng karakter ni Joel Palencia na si Oslec, lalong lalayo ang loob ng karaker ni Kyline Alcantara na si Maggie kay Jun, ang karakter ni Yasser Marta.
Bago man sa paningin ng mga tao si Joel, hindi na siya baguhan sa larangan ng showbiz.
Pumasok sa mundo ng showbiz si Joel nang sumali siya sa 'That's My Bae: "Twerk It" Dance Contest' ng 'Eat Bulaga,' at sa teleseryeng pinagbidahan nila na 'Trops.'
Ngayong inamin niyang umalis na siya sa 'Eat Bulaga,' tuloy-tuloy na ang pagpasok ni Joel sa mundo ng pag-arte.
Kilalanin pa siya nang husto sa gallery na ito.











