
Kinuwento ng aktres na si Ina Feleo na naninibago siya sa pagbabalik sa taping ng afternoon drama na Bilangin ang Bituin sa Langit matapos ang pitong buwan.
Kasalukuyang naka-lock-in taping sa San Mateo, Rizal ang buong cast at production crew ng programa. Tatagal ng 23 days ang kanilang lock-in taping.
"7 months of not doing my hair makeup and dressing up like a sophisticated woman, this was refreshing," pag-amin ni Ina sa isang Instagram post.
Sa "new normal," nililimitahan ang bilang ng staff na kasama sa taping upang maiwasan ang pagsasama-sama ng maraming tao. Dahil dito, minsan ay ang mga artista na mismo ang gumagawa ng kanilang hair and make-up.
Upang mapabilis ang kanilang trabaho, si Ina Feleo na rin ang naglalagay ng make-up sa kanyang sarili sa 'Bilangin ang Bituin sa Langit.' / Source: ina_feleo (IG)
Sa Bilangin ang Bituin sa Langit, ginagampanan ni Ina ang karakter ni Margaux, ang asawa ni Anselmo, na ginagampanan naman ni Zoren Legaspi.
Kasalukuyang umeere sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime ang teleseryeng One True Love, na pinagbidahan nina Alden Richards at Louise Delos Reyes.