GMA Logo Zoren Legaspi with Mavy and Cassy at the lockin taping of Bilangin ang Bituin sa Langit
What's on TV

Zoren Legaspi, inihatid nina Mavy at Cassy Legaspi sa 'lock-in taping' ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit'

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 29, 2020 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
PAGASA: Isolated rains over parts of PH, HPA ridge extends over Northern Luzon
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Zoren Legaspi with Mavy and Cassy at the lockin taping of Bilangin ang Bituin sa Langit


Hindi makakasama nina Mavy at Cassy Legaspi ng 23 days ang kanilang Tatay Zoren dahil nasa 'lock-in taping' ito ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit' sa San Mateo, Rizal.

Inihatid ng kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi ang kanilang Tatay Zoren Legaspi sa San Mateo, Rizal kung saan naka-lock-in taping ang afternoon series na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Sa "new normal," hindi pwedeng umuwi sa kani-kanilang mga bahay ang mga aktor at production crew upang maiwasan ang kanilang exposure sa COVID-19.

Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Zoren sina Mavy at Cassy sa paghatid sa kanya sa Estancia De Lorenzo sa San Mateo, Rizal.

"Thank you @cassy and @mavylegaspi for bringing me here in my bubble," sulat ni Zoren sa caption.

Thank you @cassy and @mavylegaspi for bringing me here in my bubble 😎😎😎

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi) on

Kahit na naka-lock-in taping ang Bilangin ang Bituin sa Langit, may ilang araw rest day rin sila upang makapagpahinga. Pero ayon kay Zoren, walang "rest day" ang mga artista dahil tuloy-tuloy ang kanilang preperasyon upang mapaganda ang istorya.

Sulat siya sa hiwalay na Instagram post, "It's our rest day today..but not completely, cause an actor prepares."

Zoren Legaspi at the lockin taping of Bilangin ang Bituin sa Langit

Sa '23-day lock-in taping' ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit,' ginagamit ni Zoren Legaspi ang kanyang rest days upang ihanda ang kanilang sarili sa mga susunod na eksena. / Source: zoren_legaspi (IG)

Sa Bilangin ang Bituin sa Langit, ginagampanan ni Zoren ang karakter ni Anselmo, ang asawa ni Margaux (Ina Feleo) at tatay ni Jun (Yasser Marta).

Pansamantalang napapanood sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime ang One True Love na pinagbidahan nina Alden Richards at Louise Delos Reyes.