GMA Logo Ina Feleo during the lock-in taping of Bilangin ang Bituin sa Langit
What's on TV

Ina Feleo, pabor sa 'new normal' ng mga teleserye

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 24, 2021 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ina Feleo during the lock-in taping of Bilangin ang Bituin sa Langit


Bakit kaya pabor si Ina Feleo sa pagkakaroon ng 'lock-in taping?'

Kinuwento ng aktres na si Ina Feleo na pabor siya sa pagkakaroon ng 'lock-in taping' sa produksyon ng mga teleserye at mga pelikula.

Isa sa mga nakitang pagbabago ni Ina ay ang pagkakaroon ng curfew sa set kung saan mas maayos ang kanilang pagtulog, malayo sa nakagawian na madaling araw na matatapos ang taping at maaga ulit magsisimula kinabukasan.

Naranasan ni Ina ang 'new normal' nang magkaroon ng 'lock-in taping' ang Bilangin ang Bituin sa Langit.

"Sobrang saya, nag-enjoy ako sa taping na 'yun," kuwento ni Ina sa GMANetwork.com.

"Siyempre nung una takot dahil nga first time sasabak pero sobra kong na-enjoy kasi para kayong nasa kampo, e, kasi magkakapitbahay kayo, 'yung mga artista, 'yung mga crew.

"So everyday, nagkikita kayo tapos nagiging bonded kahit hindi kayo mag-party, magiging bonded kayo kasi araw-araw kayo nagkikita, e.

"Nagustuhan ko rin 'yung set-up na 12 hours a day taping so alam mo na meron kang proper time to rest, get ready for the next day."

Dagdag ni Ina, matagal nang ipinaglalaban ng direktor ang pagkakaroon ng mas maagang curfew upang makapagpahinga ng maayos ang mga artista at production crew.

"It was very light for me kahit na sobra ko ring physically pagod, emotionally pagod kasi nga intense, e. Parang 10 weeks worth of scripts ang tinapos namin in a little over three weeks.

"Pero at the same time, since maganda yung disposition ng mga tao, I think also because of the new rules and protocols, na nakaka-rest talaga 'yung mga tao.

"I think malaking bagay talaga if you give good rest, good accommodation, everybody's refreshed araw-araw, ganun."

Bukod sa pagkakaroon ng curfew, mas nakita ni Ina na nakakapag-focus siya sa role niya bilang si Margaux, dahil hindi niya binibitawan ang kanyang karakter pagkatapos ng taping.

"Sa akin, bilang artista, na-enjoy ko talaga na, parang dahil nakabukod ka, para kang nakahiwalay sa real life mo, focused ka talaga doon sa role.

"Focused ka talaga na hindi ka na kailangan bumitaw, parang, 'Ano na nga? Ano na nga 'yung karakter ko dito?'

"Wala ng ganun kasi talagang everyday, you get deeper into the role.

"So for me, sobra siyang magandang experience. Sana ma-maintain na ganun.

"Sana kahit in the future, ma-keep'yung ganung klaseng work ethic sa mga tao.

"Ang ganda, e, at saka kita mo lahat ng tao masaya."

Mapapanood ang Bilangin ang Bituin sa Langit mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prima Donnas.

Balikan ang naging lock-in taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa gallery na ito: