GMA Logo Nora Aunor and Kyline Alcantara in 'Bilangin ang Bituin sa Langit'
What's on TV

Kyline Alcantara, hindi malilimutan ang mga eksena niya kasama si Nora Aunor sa 'Bilangin ang Bituin sa Langit'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 26, 2021 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Nora Aunor and Kyline Alcantara in 'Bilangin ang Bituin sa Langit'


Napanood niyo ba ang mga eksena nina Kyline Alcantara at Ms Nora Aunor sa 'Bilangin ang Bituin sa Langit?'

Binalikan ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang araw na unang beses niyang nakita ang batikang director na si Laurice Guillen, ang direktor ng hit afternoon series na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Ayon kay Kyline, hindi niya malilimutan ang una nilang pagkikita dahil na-intimidate siya kay Direk Laurice.

"Nung na-meet ko si Direk Laurice, for the very first time, I was so intimidated by her and nape-pressure ako, of course, dahil kasama ko siya, siya 'yung magiging direktor namin," sagot ni Kyline.

Dagdag niya, hindi rin malilimutan ni Kyline ang mga eksena nila ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Mag-lola ang karakter nina Kyline at Ms. Nora na sina Maggie at Cedes.

Dagdag niya, "Well, lahat naman ng scenes ko with Ms. Nora, memorable siya.

"Siguro 'yung scene na first time ko siyang nasigawan, kasi natatakot akong sigawan si Ms. Nora.

"Pero lahat 'yun, lahat 'yun favorite ko."

Bukod kay Kyline, binalikan rin nina Yasser Marta, Ina Feleo, at Gabby Eigenmann ang kanilang mga masasayang eksena sa set.

Panoorin:

Mapapanood na mamaya ang finale episode ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Babawiin Ko Ang Lahat.

Para sa mga Kapuso abroad, mapapanood ang Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Pinoy TV. Pumunta lamang sa gmapinoytv.com para sa ibang detalye.