
Maging si Herlene Budol ay excited na sa paglabas ng kanyang TiktoClock co-host na si Pokwang sa pinagbibidahan nilang GMA Afternoon Prime seris na Binibining Marikit.
Simula ngayong linggo, mapapanood na si Pokwang sa drama series kung saan magtatagpo ang kanilang mga karakter ni Herlene. Espesyal ang kanilang unang eksena dahil sa Japan pa ito kinunan.
Ayon kay Herlene, sigurado raw na lalong bubuhos ang luha sa pagpasok ng karakter ni Pokwang na si Mayumi.
"'Di n'yo mararamdaman na natatawa kayo at mapapaiyak kayo kasi si Mamang Pokwang, 'di lang magaling sa pagiging komedyante. Kaya niyang magpaiyak ng lahat," ani Herlene sa panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras noong Linggo, March 2.
Mapapanood ang Binibining Marikit weekdays, 4:00 p.m sa GMA-7 at Kapuso Stream.