GMA Logo herlene budol and almira muhlach in binibining marikit
What's on TV

Binibining Marikit: Rica, nakunan?

Published March 5, 2025 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Donald J. Trump and John F. Kennedy Memorial Center for the Performing Arts
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol and almira muhlach in binibining marikit


Sa 'Binibining Marikit,' sinisi ni Rica si Ikit matapos siyang makunan. Ano kaya ang mangyayari sa relasyon ng mag-amang Gani at Ikit?

Bumubuhos ang luha sa hapon dahil sa mga maiinit na eksena sa Binibining Marikit.

Sa episode ng GMA Afternoon Prime series ngayong Miyerkules, March 5, nagkaroon ng pagtatalo si Ikit (Herlene Budol) at ang kanyang stepmother na si Rica (Almira Muhlach).

Ito ay matapos mapagalitan ni Gani (Cris Villanueva) ang kanyang anak na si Ikit nang sinaway nito ang utos niyang huwag lumabas ng bahay. Malaki kasi ang galit ng kanilang mga katribo na empleyado nila nang ma-scam si Ikit gamit ang perang dapat pampasweldo sa kanila.

Nagtungo lang si Ikit sa kaibigan niyang si Gemmalou (Ashley Rivera) para magpatulong mahanap ang nang-scam sa kanya.

Binaligtad naman siya ni Rica nang sabihin niyang hindi nagpaalam si Ikit sa kanya.

Lumaban si Ikit kay Rica at nasaktan niya ito nang hindi sinasadya, na nagresulta kung bakit nakunan ang kanyang stepmom.

Sinisi ni Rica si Ikit sa aksidente kaya lalong nagalit si Gani sa kanyang anak.

Patuloy na subaybayan ang Binibining Marikit Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.

Related Feature: Herlene Budol, may inamin sa 'Binibining Marikit' mediacon