What's on TV

Binibining Marikit: Ikit, nagluluksa sa pagkamatay ng ama

By Jansen Ramos
Published March 26, 2025 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol and cris villanueva in binibining marikit


Sa GMA Afternoon Prime series na 'Binibining Marikit', gumuho ang mundo ni Ikit (Herlene Budol) nang malamang pumanaw na ang kanyang ama na si Gani (Cris Villanueva).

Bumuhos ang luha dahil sa mga nakakaantig na tagpo sa pinag-uusapang drama sa hapon na Binibining Marikit.

Sa nakaraang episode ng GMA Afternoon Prime series, gumuho ang mundo ni Ikit (Herlene Budol) nang malamang pumanaw na ang kanyang ama na si Gani (Cris Villanueva).

Bumili lang ng gamot si Ikit para sa kanyang ama, pero ginamit ito ng kanyang stepmom na si Rica (Almira Muhlach) na oportunidad para matuluyan si Gani.

Dinaganan ni Rica ng unan ang kritikal na si Gani, na naka-confine sa ospital, para hindi ito makahinga.

Minadali ni Rica ang pagkamatay ni Gani dahil sa kanyang personal na intensyon na makamkam ang lupa ng kanyang asawa para maibenta ito sa isang developer ng resort at casino na ipambabayad niya sa kanyang malaking utang sa isang sindikato.

Malaman na kaya ni Ikit na in-orchestrate lang ni Rica ang pagkamatay ng kanyang ama? At kailan kaya niya madidiskubre ang mga panloloko ng kanyang stepmom at ng anak nitong si Angela (Thea Tolentino)?

Panoorin sa Binibining Marikit Lunes hanggang Biyernes, 4:00 ng hapon sa GMA at Kapuso Stream.