GMA Logo almira muhlach in binibining marikit
What's on TV

Binibining Marikit: Rica, pumanaw na

Published April 25, 2025 7:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wage hike OK'd for Northern Mindanao minimum wage earners, kasambahays
Woman run over by bus in Davao City; dies
Marian Rivera welcomes the new year in luxurious designer jewelry

Article Inside Page


Showbiz News

almira muhlach in binibining marikit


Sa 'Binibining Marikit', namaalam na si Rica (Almira Muhlach) matapos makuryente at mahulog sa isang balkonahe habang hinahabol si Ikit (Herlene Budol).

Talaga namang nakakagigil ang mga tagpo sa pinag-uusapang drama sa hapon na Binibining Marikit.

Sa episode ng GMA Afternoon Prime series ngayong Biyernes, April 25, nagtapos na ang kasamaan ni Rica (Almira Muhlach) matapos makuryente at mahulog mula sa balkonahe ng isang warehouse kung saan niya at ng kapatid niyang si Soraya (Pinky Amador) kinulong at ginapos sina Ikit (Herlene Budol) at Matthew (Kevin Dasom).

Ito ay matapos habulin ni Rica si Ikit nang subukan nitong tumakas mula sa kanyang pagkakadakip.

Labis ang galit ni Angela (Thea Tolentino) kay Ikit dahil sinisisi niya ang huli sa pagkamatay ng kanyang ina. Paniniwala niya, tinulak ni Ikit si Rica mula sa balkonahe.

Para kay Ikit, karma ito ni Rica dahil sa mga kasamaang ginawa nito sa kanya at sa yumao niyang ama na si Gani (Cris Villanueva).

Hindi pa natatapos ang kalbaryo sa buhay ni Ikit dahil nagbabalak pang maghiganti si Soraya laban sa kanya.

Patuloy na subaybayan ang Binibining Marikit mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.

RELATED CONTENT: 'Binibining Marikit' lead cast, nag-enjoy sa Japan