
Sa episode ng GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit noong Biyernes, May 9, naglakas-loob na si Matthew (Kevin Dasom) na sabihin na kay Ikit (Herlene Budol) ang tunay niyang nararamdaman para sa dalaga.
Ipinangalandakan ni Matthew sa harap ng resort guests na si Ikit ang best tour guide sa region. Tinanggal din niya ang scarf ni Ikit na nagtatakip sa mukha nito na may peklat para ipakita na hindi dapat niya ito ikahiya.
Pakiramdaman ng stepbrother niyang si Drew (Tony Labrusca), naunahan siya ng kanyang kuya mag-confess kay Ikit dahil gusto niya rin ang dalaga.
Hindi tanggap ng ex ni Matthew na si Pia (Klea Pineda) na may feelings ang binata kay Ikit. Ikinagulat din ni Pia na pati si Drew ay nahulog na rin kay Ikit.
Samantala, inihayag ni Ikit na hindi pa siya handa pumasok sa isang relasyon dahil prayoridad niya ang kasong isinampa nila laban sa itatayong resort casino sa kanilang lugar.
Patuloy na subaybayan ang Binibining Marikit mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
Related gallery: The fashionable fits of the cast of Binibining Marikit