
Mga Kapuso, nasa inyong kamay ang happy ending ni Ikit (Herlene Budol) sa pinag-uusapang drama sa Binibining Marikit!
Sa finale ng sinusubaybayang GMA Afternoon Prime series, kayo ang pipili kung sino ang gusto n'yong makatuluyan ng ating palabang bida: Si Drew (Tony Labrusca) ba na may pusong hindi sumusuko o si Matthew (Kevin Dasom) na may pusong mapagparaya?
Dahil deserve ni Ikit ang 'Happy Ever After,' iparinig ang inyong boses at sagutan ang poll sa ibaba.
Huwag palampasin ang huling tatlong episode ng Binibining Marikit, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
Related content: The fashionable fits of the cast of 'Binibining Marikit'