
At long last, magkakaroon na rin ng happy ending si Ikit (Herlene Budol) sa pinag-uusapang drama sa hapon na Binibining Marikit.
Matapos pagdaanan ang mga matitinding pagsubok sa kanyang buhay, deserve ng ating palabang bida ang happy ever after.
Sa huling episode ng Binibining Marikit, malalaman na kung sino ang makakatuluyan ni Ikit: si Drew (Tony Labrusca) ba na may pusong hindi sumusuko o si Matthew (Kevin Dasom) na may pusong mapagparaya?
Bukod pa rito, masasagot din kung makakasama pa bang muli ni Ikit ang kanyang inang si May (Pokwang).
Damang-dama naman ng avid viewers ang matindi at emosyonal na finale week ng Binibining Marikit. Ayon sa ilang netizens sa YouTube channel ng GMA Network, “Grabe! Very emotional ang revelation na si Ikit ay anak ni May, ang bilis ng panahon at matatapos na ang Binibining Marikit. Mahusay umarte sina Herlene at Pokwang! Hindi ko namalayan humihikbi na pala ako. Mugto na mga mata ko, ang ganda ng reunion nilang mag-ina.”
Huwag palampasin ang pagtatapos ng Binibining Marikit ngayong Biyernes, June 27, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
RELATED CONTENT: The fashionable fits of the cast of Binibining Marikit