'Binibining Marikit,' nag-shoot ng ilang mga eksena sa Japan

Nagpasaya ang 'Binibining Marikit' stars na sina Herlene Budol, Pokwang, Tony Labrusca, at Kevin Dasom sa mga Pinoy sa Nagoya, Japan, kamakailan.
Dumalo sila sa GMA Pinoy TV event na 'Ang Saya-Saya ng Pasko sa Nagoya' na ginanap sa Hisaya Odori Park sa Nagoya, Japan noong December 14 at 15.
Bukod dito, sinulit ng lead cast ng 'Binibining Marikit' ang kanilang pagpunta sa Land of the Rising Sun dahil kinunan din nila rito ang ilang eksena nila para sa aabangang GMA Afternoon Prime series.
Tingnan ang ilan nilang larawan sa Japan.





