
Mahigit three million views na ang inani ng trailer ng upcoming full action series na Black Rider.
Batid kaagad sa trailer ang sari-saring elemento ng show tulad na lang ng mga bakbakan, nakakikilig na eksena at katatawanan.
Ayon sa bida nitong si Primetime Action hero Ruru Madrid, maliit na pasilip pa lang daw ang trailer dahil marami pang dapat abangan sa serye.
"Wala pa po sa 1/4 'yung naipakita po namin. Akala po natin mape-predict natin by trailer pa lang 'yung magiging istorya pero hindi. Marami pong mga pasabog. Maraming mangyayari lalong lalo na sa pilot episode namin," pahayag ni Ruru.
Aminado rin siyang may pressure siyang nararamdaman sa muling pagbibida sa isang malaking primetime series.
"Nakahanda po kami para po doon sa expectations na 'yun. Medyo may pressure din sa part ko kasi of course gusto naming maging successful ito kagaya po ng success ng Lolong," lahad ng aktor.
Ang pinakamahalaga daw para kay Ruru ay ang mabigyan ng isang programang maganda at de kalidad ang mga manonood.
"My goal is to entertain people, to use my platform para makapagbigay inspirasyon at kasiyahan sa mga manonood. 'Yun lang, masayang masaya na po ako doon," aniya.
PLEASE INSERT INSIDE IMAGE HERE
Bibida si Ruru sa upcoming full action series na Black Rider. Gaganap siya dito bilang Elias Guerrero, isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Makakasama ni Ruru sa action-packed serye sina Katrina Halili, Yassi Pressman, Matteo Guidicelli, Jon Lucas, at marami pang iba.
SILIPIN ANG STAR-STUDDED MEDIA CONFERENCE NG BLACK RIDER DITO:
Abangan ang world premiere ng full action series na Black Rider, November 6, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. Mapapanood ang simulcast nito sa GMA, GTV at maging online sa Kapuso Stream.
Samantala, panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.