GMA Logo Ruru Madrid and Phillip Salvador
What's on TV

Ruru Madrid at Phillip Salvador, reunited sa 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published November 4, 2023 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jalen Brunson's winner propels Knicks past Pacers
Joint probe underway in death of ex-DPWH Usec. Cabral
Heart Evangelista advocates for pet adoption on her social media

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Phillip Salvador


Reunited sa 'Black Rider' si Ruru Madrid at ang kaniyang mentor na si Phillip Salvador.

Matapos ang mahigit isang dekada, reunited si primetime action hero Ruru Madrid at ang kaniyang showbiz mentor na si veteran action star Phillip Salvdor.

Muling magsasama ang dalawa sa sa upcoming full action series na Black Rider.

Una silang nagkatrabaho noong 2011 sa artista reality search show na Protege kung saan naging mentor ni Ruru si Phillip.

"Sabi ko sa kaniya noon noong nag-third place siya, 'Anak, hindi talaga para sa atin,' sabi kong ganoon. 'Pero alam ni God, ikaw ang pinakamagaling. 'Pag nagkita tayo uli, I will tell you the same thing.' Kung hindi siya ang pinakamagaling, hindi siya si Black Rider ngayon," pahayag ni Ipe tungkol kay Ruru.

Mapili si Ipe ngayon sa mga serye o pelikulang ginagawa niya at medyo matagal na rin simula noong naging bahagi siya ng isang maaksiyong proyekto.

Gayunpaman, agad daw niyang tinanggap ang Black Rider para sa pagkakataong makasama muli si Ruru.

"Nagbibigay siya ng preparasyon para sa gagawin niya. Ganoon naman dapat ang attitude eh. Hindi puwedeng guwapo ka lang parati, lalo na kung papasok ka sa action. Hindi puwedeng guwapo ka lang, kailangan meron kang alam. Kailangan alam mo 'yung gagawin mo," lahad ng beteranong aktor.

Proud naman si Ruru na ipakita kay Phillip na malaki na rin ang ipinagbago niya simula noon.

"Noon pa man, sinasabi ko na talaga kay Tatay Ipe. Sabi ko, 'Tay gusto ko po talagang gumawa ng action.' Pero sabi niya sa akin noong mga panahong 'yun, 'Naku anak, wala pang maniniwala sa 'yo, ang payat mo pa.' Kaya 'yun, nagpursigi po akong mag-workout. Nag-training po talaga ako," bahagi ni Ruru.

Gaganap si Phillip sa serye bilang si Mariano, ang magtuturo ng self-defence at martial arts sa karakter ni Ruru na si Elias.

Sa Tanay, Rizal ang taping ng ilang eksena nina Phillip at Ruru. Bago sumabak sa eksena, nagkundisyon muna ng katawan si Ruru sa pamamagitan ng pagbubuhat ng dumbbells at pagpa-practice ng arnis.

"Okay, ganito po talaga," natatawang pahayag ni Ruru matapos matamaan ng baston ng arnis at magpagulong gulong as lupa.

"Tingnan mo ang bida ng 'Black Rider.' So totoo ang nangyayari, hindi ba? Magaling nang umarte, magaling pang tumanggap ng sakit," papuri naman ni Ipe.

Bibida si Ruru Madrid sa Black Rider bilang Elias Guerrero, isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

"Ang 'Black Rider,' hindi lang siya basta kuwento ng mga delivery riders kundi kuwento rin po siya ng bawat ordinaryong Pilipino na lumalaban sa buhay. Alam naman nating lahat na araw araw, marami tayong mga pagsubok, araw araw maraming mga problema, pero tayong mga Pilipino marunong tayong lumaban at tumayo sa sarili natin so dito po, maikukuwento po natin 'yun," ayon sa aktor.

Bukod kay Phillip Salvador, makakasama ni Ruru sa serye sina Matteo Guidicelli, Katrina Halili, Yassi Pressman, Jon Lucas, Kylie Padilla, at marami pang iba.

SILIPIN ANG STAR-STUDDED MEDIA CONFERENCE NG BLACK RIDER DITO:

Abangan ang world premiere ng full action series na Black Rider, November 6, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.