
Marami ang humanga sa emosyonal at maaksyong eksena sa full action series na Black Rider kung saan pinaslang ang pamilya ni Elias Guerrero.
Ayon sa bida ng serye na si Primetime Action Hero Ruru Madrid na gumaganap bilang Elias, isa raw ito sa pinakamahirap na eksenang ginawa nila sa serye.
Kaya naman ikinatutuwa niya na marami itong natanggap na papuri mula sa mga manonood.
PLEASE INSERT INSIDE IMAGE HERE
Inside image: Please take screenshot of comments (Around 1:00)
Alt text: Black Rider
"Sobrang nakakataba ng puso kasi siyempre 'yung pagod ba, kasi po worth it 'yung lahat ng pagod, lahat ng hirap na pinagdaanan namin sa proyekto na ito. We promise to always give our best in every scene na ginagawa namin because deserve n'yo po na mabigyan po ng magandang programa," pahayag ni Ruru.
Masaya rin ang aktor na si Jon Lucas na invested ang mga manonod sa pagpapahirap ng kanyang karakter na si Calvin kay Elias.
"Thankful lang po ako sa lahat ng mga manonood po natin dahil nababasa ko naman lahat ng mga komento po nila. Kung nagagalit nga sila, mas natutuwa naman po ako dahil ibig sabihin nga ay nagiging epektibo po tayo sa palabas po," lahad ng aktor.
Ayon naman kay Matteo Guidicelli na gumaganap bilang pulis at kaibigan ni Elias na si Paeng, marami pa raw matitinding action scenes na maaasahan sa mga susunod pang episodes ng serye.
Aniya, "It's very very overwhelming to see all the postive responses na almost every night, trending 'yung Black Rider. Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng mga Kapuso po natin. Excited [ako] dahil wala pang mga action scenes kay Paeng Policarpio so sana abangan ng mga tao.
Malapit na rin daw makilala ang karakter ni Katrina Halili sa si Romana, isang assassin.
"At first 'di ba sabi ko natatakot ako, si Jon Lucas, siyempre lalaki siya, tapos si Ruru, makakalaban ko silang dalawa. Sabi ko, 'Ha? Kaya ko ba? Parang nakakatakot naman,'" paggunita niya.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.