GMA Logo ruru madrid
What's on TV

Ruru Madrid, starstruck sa kasamang action stars sa 'Black Rider'

By Kristian Eric Javier
Published November 15, 2023 5:58 PM PHT
Updated November 15, 2023 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Gabe Norwood’s final buzzer comes as Rain or Shine campaign ends in QF
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid


Ruru Madrid sa kasamahang action stars, "Sobrang para akong nasa-starstruck pa rin..."

Hindi pa rin makapaniwala ang Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid na katrabaho na niya ngayon ang mga dating iniidolo lang niyang ction stars sa seryeng Black Rider. Ayon pa sa aktor, hanggang ngayon ay nai-starstruck pa rin siya sa mga ito.

“Sobrang para akong nasa-starstruck pa rin everytime na nakikita ko sila kasi, siyempre, growing up, sila po 'yung pinapanood ko, tapos ngayon katrabaho ko na,” pagbabahagi ni Ruru sa Updated with Nelson Canlas podcast.

Dagdag pa ng aktor ay malaking karangalan na para sa kanya ang mapabilang sa hanay ng mga iniidolo niyang action stars.

“Especially ang dami po nila kasing mga advice sa 'kin, mga puwede ko pong gawin eventually sa mga eksena ko, na talagang ninanamnam ko,” sabi ng aktor.

Ilan sa mga kasama ni Ruru na batikang mga action stars ay sina Phillip Salvador, Raymart Santiago, Zoren Legaspi, Gary Estrada, Kier Legaspi, Monsour Del Rosario, Joem Bascon, Raymond Bagatsing, at Roi Vinzon.

Ibinahagi rin ni Ruru kung gaano siya kasayang makasama ang mga senior actors at action stars dahil sa mga aral na napupulot niya mula sa mga ito.

“Lahat 'yun parang may nabibigay sila sa'kin lagi na aral na eventually, sabi o nga sa kanila, eventually, ako naman po 'yung magbibigay nun sa mga new generations of actors, o sa mga gusto rin pong mag-action,” pagbabahagi ng aktor.

BALIKAN ANG ACTION STARS NOONG DEKADA 80 AT 90 SA GALLERY NA ITO:

Bukod sa mga action stars ay kasama rin sa cast ng action-drama series ang ilan sa social media influencers katulad nina Pipay at Salome. Ayon kay Ruru, magandang paraan ito para maipakaita nila ang relatability sa serye.

“Every time na pinapanood nila itong project, parang sasabihin nila na 'oo, tama 'yan, ganiyan din 'yung na-experience ko dati,' sabi niya.

Dagdag pa nito, “Sa mga riders, kinukwento namin 'yung mga storya ng buhay nila, 'yun, that's our goal dito sa proyekto na ito.”