GMA Logo Herlene Budol sa Black Rider
Source: gmanews (IG)
What's on TV

Herlene Budol, mapapanood sa 'Black Rider'

By Kristian Eric Javier
Published November 16, 2023 12:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol sa Black Rider


Matapos ang 'Magandang Dilag,' sasabak naman si Herlene Budol sa action series na 'Black Rider.'

Katatapos lamang ng Afternoon Prime series na Magandang Dilag pero sumabak na agad sa bago niyang role si Herlene Budol sa Black Rider. Ayon pa sa aktres, hindi nalalayo ang bago niyang karakter na si Pretty sa role niyang si Gigi/Greta, at inaming masaya siyang makasama sa primetime series.

Dahil sa Quiapo kinunan ang eksena, ibinahagi ni Herlene sa interview niya kay Cata Tibayan sa "Chika Minute" ng 24 Oras noong November 15 kung papaano siya nakarating ng Manila noon dahil sa Quiapo Church.

“Nagluhod po ako dito sa harapan tapos pumasok po ako dun sa loob, nag-pray din po ako talaga, nag-thank you po ako, siyempre maraming trabaho 'yung pumapasok sa atin,” sabi ng aktres.

Nagpasalamat din siya sa oportunidad na maging bahagi ng Black Rider, at sinabing proud siya mapabilang sa isang serye sa primetime.

BALIKAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI HERLENE SA GALLERY NA ITO:

Ibinahagi rin ni Herlene ang tungkol sa karakter niyang si Pretty na isa umanong manikurista.

“Nagmamahal nang sobra, pero hindi binabalik ang pagmamahal. Masaya nung una, pero parang may kurot ng konti. Hindi siya kurot, parang sinampal ka ng katotohanan sa huli. Parang 'Oo nga no?' Hindi siya basta-basta kurot na kalabit,” pagbabahagi ni Herlene.

Dagdag pa ng aktres, “Ang dami kong mare-represent na mga kababaihan na parang may pinaglalaban. Kawawa siya (Pretty), pero girl power pa rin.”

Nang tanungin si Herlene kung game ba siyang gumawa ng action scenes, inamin ng dating beauty queen na excited siyang gumawa nito.

“Isa din po 'yun sa mga gusto ko din talagang gampanan, ýung maging action star. Siyempre open po ako,” sabi niya.

Panoorin ang buong interview ni Herlene dito: