GMA Logo Herlene Budol on Black Rider
What's on TV

Herlene Budol, pinalakpakan matapos ang emosyonal na eksena sa 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published November 20, 2023 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol on Black Rider


Pinalakpakan ng mga nakasilip sa taping si Herlene Budol matapos ang emosyonal niyang eksena sa 'Black Rider.'

Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood kay beauty queen and actress Herlene Budol sa full action series na Black Rider.

Marami ang sumilip sa taping ng serye nang mabalitaang magshu-shoot ng ilang eksena si Herlene sa Quiapo.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

Bukod sa pagdadala niya ng kanyang signature wit sa serye, ipinamalas din ni Herlene ang galing niya sa drama.

Gumaganap siya sa serye bilang si Pretty, masayahin at masipag na manikurista na isa palang battered wife.

Palaban si Pretty kaya nag-iskandalo siya nang mahuling may kabit ang asawa.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

Mahusay na nagawa ni Herlene ang eksena kung saan inilabas ni Pretty ang sama ng loob kaya nakatanggap siya ng palakpakan mula sa mga sumilip sa taping.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Sa pangatlong linggo nito, susugod si Elias (Ruru Madrid) sa kuta ng Golden Scorpion. Malalaman naman ni Paeng (Matteo Guidicelli) ang ginawang pagtatakip ng kanyang ama sa pagpatay sa pamilya ni Elias.

Patutuluyin din muna ni Alma (Rio Locsin) si Pretty (Herlene Budol) sa bahay nila ni Elias habang hindi pa nito naayos ang gusot ng kanyang abusive na asawa.


Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.

Panoorin ang emosyonal na eksena ni Herlene Budol sa Black Rider dito: