GMA Logo Ruru Madrid and Ogie Diaz
What's on TV

Ruru Madrid, sumabak sa viral na Ogie Diaz Acting Workshop

By Marah Ruiz
Published November 27, 2023 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Ogie Diaz


Pasado kaya si 'Black Rider' star Ruru Madrid sa pagsabak niya sa viral acting workshop ni Ogie Diaz?

Sunod-sunod ang pagpasok ng mga bigating guest stars sa full action series na Black Rider na pinagbibidahan ni primetime action hero Ruru Madrid.

Posible kayang sumama sa hanay ng mga ito ang talent manager at beteranong entertainment columnist na si Ogie Diaz?

Sa isang video na ibinahagi ng GMA Public Affairs, makikita si Ruru at Ogie na nasa isang tindahan.

Ipina-recite rin ni Ogie kay Ruru ang mga linya mula sa acting workshop niya na nag-viral kamakailan.


"Dito natin malalaman kung napakahusay ngang umarte nitong si... Anong pangalanan mo? Ruru Madrid? Tignan natin ha? 'Yung nagba-viral ngayon, gusto ko gawin mo 'yun ha? Level level tayo dito ha?" maririnig na sinasabi ni Mama Oggs sa video.

"Kunwari galit ka sa akin, parang isusumpa mo ako. Okay? Anong sinasabi mo?" pagpapatuloy niya.

Handang-handa naman si Ruru na nakikita pang nag-i-internalize para sa eksena.

"Hayop ka! May araw ka rin! Mabubulok ka sa impiyerno!" paggaya ni Ruru sa mga linya mula sa viral video.

Natuwa naman si Mama Oggs sa atake ni Ruru kaya niyakap at hinalikan pa niya ito.

"Ang galing galing mo, Ruru. Ang galing galing mo! Ruru, ang galing galing mo," aniya.


Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.