
Maraming manonood ang natuwa sa pagkakadagdag ni beauty queen at actress Herlene Budol sa full action series na Black Rider.
Kinakatawan kasi ng kanyang karakter na si Pretty ang mga battered women na nananatiling palaban at patuloy na nagsisikap para sa kanilang mga pamilya.
Nagbahagi si Herlene ng ilang behind-the-scenes photos niya kasama ang lead star ng serye na si primetime action hero Ruru Madrid, kasama ang isa pa nilang co-star na si Empoy Marquez.
Parang pang romance drama at romantic comedy ang naging pag-pose ng tatlo sa mga litrato kaya tanong ng karamihan: Magkakaroon ba ng love triangle sa pagitan ng kanilang mga karakter sa Black Rider?
Sa ika-apat na linggo ng Black Rider, batid ang pag-aalala ni Oka (Empoy Marquez) para kay Pretty (Herlene Budol) dahil sa pananakit at panloloko ng asawa nitong si Hector (Ervic Vijandre).
Narito ang pasilip sa kanilang nakakatawa at nakakakilig na eksena.
Samantala, inamin na rin ni Elias (Ruru Madrid) kay Nanay Alma (Rio Locsin) na siya nga si Black Rider.
Inatasan na rin ni Señor (Raymond Bagatsing) ang assassin na si Romana (Katrina Halili) na iligpit si Black Rider.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.