GMA Logo Ashley Sarmiento at Marco Masa
PHOTO COURTESY: Gerlyn Mae Mariano
What's on TV

Ashley Sarmiento at Marco Masa, may sikreto sa pagbuo ng chemistry sa 'Black Rider'?

By Kristine Kang
Published December 22, 2023 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento at Marco Masa


Ano kaya ang sikreto ng team AshCo sa kanilang chemistry sa 'Black Rider'?

Kilala ang tambalan nina Ashley Sarmiento at Marco Masa sa patok na primetime series na "Black Rider" bilang mga karakter na sina Neneng B at Benjie.

Mula sa nakakakilig nilang scenes hanggang sa kulitan nila off-cam, hindi maitatanggi ng mga netizens ang kanilang matamis at cute na chemistry bilang love team.

Sa isang interbyu, sinagot ng dalawang Sparkle artists kung ano nga ba ang kanilang sikreto sa napakaganda nilang chemistry.

Pahayag ni Ashley, wala naman daw silang iba kung 'di ang kanilang matagal nang pagkakaibigan.

"Best friends po talaga kami and matagal na po namin talaga kilala ang isa't isa kaya siguro po ganun," sagot niya.

Dagdag rin ni Marco na ilang taon na talaga sila magkakilala na para bang mahigit isang dekada na ang kanilang pagkakaibigan.

Kwento rin ng AshCo na very vocal sila pagdating sa kanilang mga eksena sa shoot.

"Nagtutulungan po kami kapag po halimbawa may mga napapansin kami sa isat isa so very vocal po kami, sinasabi namin para siyempre sa improvement ng isa't isa," sabi ni Marco.

Pabiro ring ikinuwento ni Ashley na madalas silang nagbibiruan on set kaya minsan pinipigilan na lang ng aktres ang kaniyang tawa tuwing taping.

Related content: Newest love teams and pairings in 2023

Mapapanood ang loveteam AshCo tuwing gabi sa primetime series na "Black Rider" kasama ang Primetime Action Hero na si Ruru Madrid.

Maliban kay Ruru, kasama rin nina Marco ang mga Kapuso stars na sila Matteo Guidicelli, Kylie Padilla, Herlene Budol, at Yassi Pressman.

Malapit na ring makasama sa show ang Kapuso beauty-queen actress na si Michelle Dee.