
Marami ang nag-aabangang sa karakter ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa full action series na Black Rider.
Una nang nasilayan ang kanyang karakter na si Teresa nang makumpleto nito ang training at malampasan ang pagsubok ni Señor (Raymond Bagatsing).
Isa na siyang ganap na miyembro ng Golden Scorpion at ang bagong assassin na papalit kay Romana (Katrina Halili).
Narito ang isang behind-the-scenes look sa intense na eksenang ito.
Tila may plano ni Teresa sa pagpasok niya sa sindikato pero inililihim pa niya ito.
May ibinahagi ring behind-the-scenes video ang GMA Public Affairs kung saan makikitanang emosyonal na humihingi ng tulong si Teresa mula kay Mayor Alfonso (Zoren Legaspi).
Nakakuha pa si Michelle ng thumbs up mula kay series director Rommel Penesa dahil sa husay niya sa eksena.
Narito naman ang pasilip sa unang araw ng taping ni Michelle Dee sa Black Rider:
Marami pang matutuklasan tungkol sa karakter ni Michelle na si Teresa kaya tumutok lang gabi-gabi sa Black Rider!
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.