
Ang pagkakabunyang ng isang malaking sikreto ang magbubukas ng bagong yugto ng full action series na Black Rider.
Mapapalapit si Elias (Ruru Madrid) sa mga taong gusto niyang pabagsakin pero sa paraang hindi niya inaasahan.
Ngayong nasa kamay na ni Edgardo (Raymond Bagatsing) ang DNA test, kukumpirmahin ba nito ang koneksiyon niya kay Elias? Paano tatanggapin ni Calvin (Jon Lucas) na ang mortal niyang kaaway ay kadugo niya?
Mas makikilala na rin ang misteryosong assassin na si Teresa (Michelle Dee) at malalaman na rin ang koneksiyon niya kay Mayor Alfonso (Zoren Legaspi).
Malapit na ring makilala si Tiagong Dulas (Isko Moreno). Magiging kakampi o kalaban ba siya ni Black Rider?
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa patuloy na pagharurot ng bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.