
Pinag-usapan ang mga Black Rider stars na sina Ruru Madrid at Rio Locsin dahil sa kanilang trending video sa social media.
Kita kasi ng netizens kung gaano nadala sa emosyon ang beteranang aktres pagkatapos ang kanilang mabigat na eksena sa naturang programa.
Dahil sa hindi mapigilang pag-iyak ni Ms. Rio, niyakap agad ni Ruru ang kaniyang co-star para tulungan itong pakalmahin. Pero dahil din umaapaw ang emosyon niya dala ng kanilang eksena, kita rin sa bidyo na pinipigilan ni Ruru ang pag-iyak.
Pagkatapos painumin ng tubig ang aktres, unti-unti na ring kumalma si Ms. Rio at nagpatuloy ang taping.
@dwr2022 BREAKING NEWS: Just in The heartbreaking story of RIO LOCSIN's emotional unraveling on the set of blackrider is truly heart-wrenching. Video by Ericka Maanio #viralshorts #viralpagereel #fbreelsvideo #fbreels#foryou #viralvideo #trending #trendingvideo #trendingnow #viral ♬ original sound - Daddie Wowie 2022
Maraming dapat abangan sa mga susunod na episodes ng action prime series na Black Rider dahil patindi ng patindi ang mga aksyon at emosyon ng mga eksena.
Aabot na ang istorya sa pagsugod ng Golden Scorpions sa Palangga para hanapin si Elias. Buong komunidad ang madadamay sa trahedyang dala ng grupo, kasama ang mga mahal sa buhay ni Black Rider.
Dahil full-pack action ang mga susunod na mga eksena sa palabas, matinding paghahanda at pag-iingat ang ginawa ng production crew sa loob ng apat na araw ng taping nito.
Nakaantabay sa set ang mga Malabon City DRRMO, kapulisan, fire fighters, GMA safety officers, at pati na rin ang medics.
Kumpleto rin ang mga kagamitan kagaya ng medical kit at fire extinguishers. Para naman sa mga stunts, dumaan ang cast sa matinding training bago sila sinalang sa set.
Abangan ang kapanapanabik na action prime series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.