GMA Logo Black Rider
What's on TV

Black Rider: Sisiklab na ang digmaan sa Isla Alakdan!

By Marah Ruiz
Published March 30, 2024 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Boy, 12, killed in firecracker blast in Tondo, Manila on Sunday night
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Black Rider


Sino ang mga makakatuwang ni Elias sa pagsiklab ng digmaan sa Isla Alakdan? Abangan 'yan sa 'Black Rider.'

Sisiklab ang isang digmaan sa full action series na Black Rider!

Narating na ni Elias (Ruru Madrid) ang Isla Alakdan na kuta ng Golden Scorpion kung saan makakaharap niya ang amang si Señor Edgardo (Raymond Bagatsing).

Pero hindi siya nag-iisa dahil kasama niya dito sina Romana (Katrina Halili) at Sabel (Robb Guinto).

Reresbak na rin si Tiagong Dulas (Isko Moreno) laban sa mga dati niyang kasamahan sa sindikato.

May darating pang tulong mula sa matalik na kaibigan ni Elias na si Paeng, pati na sa ilan pang Biyahero riders at maging si Bane (Yassi Pressman).

Sino ang mananaig sa madugong labanan na ito?

Samantala, magkakaroon ng lasunan sa evacuation center kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga residente ng Brgy. Palangga.

Isa sa mga maaapektuhan si Nanay Alma (Rio Locsin) na manganganib ang buhay dahil sa insidente. Sino ang nasa likod ng panlalasong ito?

Abangan 'yan ngayong linggo sa programang pasok bilang isa sa finalists ng 2024 New York Festivals, ang Black Rider!

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.