
Isa sa most awaited na adisyon sa top rating full action series na Black Rider si Vivamax star Angeli Khang.
Gaganap siya dito bilang Nimfa, tindera ng pinya na magiging ka-love triangle ng mga karater ni primetime action hero Ruru Madrid at Yassi Pressman.
Nakapag-tape na ng ilang eksena si Angeli kasama si Ruru. Sa unang beses na pagkikita nila sa set, kissing scene daw kaagad ang kinunan nilang eksena.
"Pagdating ko sa set, walang signal dahil nasa Tanay kami. Pag-check ko, totoo nga. May kissing scene nga. At kanino? Kay Miss Angeli Khang. Medyo nagulat ako na mayroon agad na ganoon na eksena," paggunita ni Ruru.
Nagulat man ang dalawa, mas pinairal nila ang pagiging professional para magawa nang maayos ang eksena.
"First scene namin ni Ruru, kiss agad. Sabi nga namin, wala man lang bonding. Ito na 'yung bonding namin, kiss na agad. Para sa mga viewers, trabaho lang po. Professional," dagdag naman ni Angeli.
Awkward man ang unang pagkakakilala ni Ruru, masaya naman si Angeli sa naging pagtanggap sa kanya ng iba pa niyang Black Rider co-stars. Ito kasi ang unang teleserye niya at mas sanay siyang gumawa ng mga pelikula.
"Medyo culture shock. Nasanay ako masyado, more on movies. Now that I've done teleserye, ang saya. One big family," lahad niya.
Huwag palampasin ang bagong digmaan na haharapin ni Elias sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist na Black Rider!
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.