GMA Logo Angeli Khang
What's on TV

Angeli Khang, aminadong pangarap talaga maging artista

By Kristian Eric Javier
Published May 3, 2024 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Angeli Khang


Dream come true para kay Angeli Khang ang makasama sa hit action drama series na 'Black Rider.'

Dream come true para sa Vivamax actress Angeli Khang ang mapabilang sa hit action-drama series na Black Rider dahil ayon sa kaniya, dati pa man ay pangarap na niyang maging isang artista.

Kuwento niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, nagsisimula pa lang siya noon mag-cosplay at may nakakita sa kaniyang isang photographer sa isang event.

Aniya inalok daw siya nitong maging modelo, at sinabing isasama ang mga pictures niya sa portfolio nito.

“'Yun, nag-start ako from modeling, then after ilang years, nag-ramp model,” sabi niya.

Samantala, ang modeling project naman na ito ang nagbigay daan sa kaniya para makapasok sa showbiz. Aniya, nakita ng manager niya ngayon ang kaniyang posts tungkol sa pagmo-model at inalok siyang maging artista.

“Du'n na po nagsimula 'yung pag-acting ko sa Viva and now, andito na ako sa 'Black Rider',” pagpapatuloy ni Angeli.

TINGNAN ANG MGA VIVAMAX BABES NA NAGING PARTE NA NG 'BLACK RIDER' SA GALLERY NA ITO:

Speaking of Black Rider, sinabi rin ni Angeli kung paano siya nakapasok sa naturang action drama series. Ayon sa kaniya, nagshu-shoot pa siya noon ng mga pelikula para sa Vivamax nang sabihin ng kaniyang manager na gusto siyang bigyan nito ng debut sa mainstream.

“Para makita daw ng mga tao 'yung acting ko without the sexy-sexy scenes, na makita daw ng mga tao 'yung totoong feelings ko,” sabi niya.

Paliwanag ng aktres ay maraming nakapanood ng kaniyang mga pelikula ang nagsasabing damang-dama nila ang mga emosyon niya sa mga eksena.

“Ramdam na ramdam daw po nila lahat ng drama ko, lahat ng iyak ko. Lalo na daw 'pag umiiyak ako, naiiyak din daw sila kaya sabi nila, 'Maybe this time, deserve mo naman magkaroon ng mainstream,'” pag-alala niya.

Marami na rin ang nakakapansin ng galing ni Angeli sa Black Rider at aminado ang aktres na isa sa mga pinaghuhugutan niya para sa mga eksena ay ang kaniyang pamilya.

Aniya, “'Pag lagi kong nasa utak, 'pag pinanood ng family ko or ng mga loved ones ko 'yung sarili ko in front of [the] screen], even myself, I wanna see myself the confident me.”

Aminado rin siya na mahiyain at introverted naman talaga siya kaya nakakapagpalakas ng loob niya ang makita ang sarili na umaarte sa TV na puno ng confidence.

“Lagi ko pong nilalagay sa isip ko na kung pano ako magiging better as an artist at makita ng mga tao na 'Uy, iba 'to a, magaling 'to,'” sabi ni Angeli.

“Kaya gusto ko po laging kahit man sa intimate scenes or outside intimate scenes, talagang sineseryoso ko po. Gusto ko makita ng mga tao na magaling ako umakting,” pagtatapos niya.

Pakinggan ang buong interview ni Angeli dito: